bc

TYLER MONTECLARO [MONTECLARO'S CONTRACTED WIFE] (SSPG-R18)

book_age18+
2.7K
FOLLOW
40.5K
READ
HE
billionairess
blue collar
lighthearted
office/work place
disappearance
like
intro-logo
Blurb

"I need a wife, a wife as a bed warmer." But her contracted wife Maddy is fell in love that Tyler didn't know that. Basta ang mahalaga ay naibibigay ni Maddy ang init ng laman na kailangan ng kan'yang asawang si Tyler.

Gusto lang naman ni Tyler na gumaling sa sakit niya, not knowing na wala pala siyang sakit. Hiyang-hiya man siya sa contracted wife dahil wala siyang anumang pagmamahal sa asawa niya ngunit baliw na baliw naman siya na parang nasasapian sa tuwing ginagamit niya ito.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Tyler POV. "Ako kaya? Kailan ako maiinlove sa iisang babae lang? Sawa na rin ako maging playboy. Gusto kong magbago na." Napatingin sa akin ang dalawa kong mga kaibigan at huminto na rin sa paglalakad nang sabihin ko ang mga salitang iyon. Ang akala nila ay nagbibiro ako pero totoo ang lahat ng mga sinabi ko. Narito kami ngayon sa mall dahil bibilhan ni Josh ng regalo ang babaeng minamahal niya. Nagpasama si Josh sa amin ni Max dahil wala siyang maisip na iregalo sa gf niya. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo Tyler? Gusto mong magseryoso?" Natatawang sabi ni Max sa akin. "Why not? Bakit hindi ba pwedeng ialay ang puso sa babaeng magpapatibok sa akin? How I wish na sana ay matagpuan ko na siya." At nangarap na talaga ako ngayon. "Hindi mo naman birthday ngayon. Bakit ka magwiwish?" Segunda naman ni Josh. "Kayo talaga, mga bitter kayo. Palibhasa, may mga gf kayo." Sabi ko sa kanila. "Ako na lang yata ang napag-iiwanan. Kahit hindi mabilang ang mga babaeng nagkakagusto sa akin. Ni wala man lang sa kanila ang nagpatibok ng puso ko. Yung tipong mapapanganga ka na lang at yung tipong hinahangan ko siya. Kahit hindi na siguro kagandahan at seksi basta yung babaeng nakakapukaw ng atensiyon ko." Paliwanag ko. "Ang ibig mong sabihin, yung bigla na lang tatayo ang etits mo ganun?" Sabi ni Max at sinapok siya ni Josh. "Ano ba Josh? Mapanakit ka!" Singhal ni Max. "Sira ka ba? Sabi nga ni Tyler yung magpapatibok daw ng kan'yang puso. Hindi etits ang titibok. Paano napunta ang t***k ng puso sa etits? Kalibugan talaga ang alam mo." Ani ni Josh. Nagkibit-balikat na lang ako rito. "Eh ano ba sagot doon sa nakakapukaw ng atensiyon? Siyempre, kasama na rin iyon. Kung may feelings ka sa isang babae, bakit hindi ka ba titigasan habang tinititigan mo siya?" Sagot ni Max at gusto ko ng matawa sa mga ito. "Hindi mo ba nararanasan iyon sa gf mo? Kung hindi, aba eh manloloko ka. Salawahan yang puso mo." "Hoy, mahal ko ang gf ko ha. Magpapakasal na kami next year." Sabi ni Josh. At oo, nagpropose na nga pala si Josh sa gf niya. Kami na lang yata ni Max ang napaghuhulihan. P*ta! Kung sino pa yung pinakaguwapo. Ako pa yata ang mahuhuling mag-aasawa. At napatingin ang dalawa sa akin. Parang inuusisa nila ako sa klase ng paninitig nila. At natawa ang mga ito na hindi ko alam. "Kawawa naman ang isa diyan. Napaghuhulian na." At pigik na natawa si Max sa akin. "Kahit pala napakayaman mo na, guwapo, malaki at maraming babae. Pero ang malas mo sa babae." "Tarantado ka! Ikakancel ko ang date niyo sa yate ni Maxene." Pananakot ko at siya naman ang pinagtawanan ni Josh. "Oh, ano ka ngayon. Tiklop ang bibig mo. Ang daldal mo kasi. Bakit, hindi na lang natin tulungan ang kaibigan natin na hanapan siya ng babaeng makakasama niya habang buhay." Suhestiyon ni Josh. "Ayokong maghanap Josh. Kusang darating din iyon. Hindi hinahanap. Matatagpuan at matatagpuan din siya ng puso ko. Tara na nga lang, may trabaho pa ko mamaya." Ani ko. "Wala pa kong maisip na ireregalo eh. Aalis na tayo agad." Sabi ni Josh. "Buntisin mo na lang kung wala ka pa maisip. Mas memorable pa iyon." Suhestiyon ko. At napatingin ako sa orasang pambisig. Ilang minuto na lang ay malilate na ko sa meeting kay Atty. Naktar. Kailangan ko na rin magmadali ngayon. "Max, Josh... Time is up. May meeting pa ko Naktar ngayon." Paalam ko sa dalawa. "Sige, kita na lang tayo sa bar mamayang gabi. Hintayin ka namin doon ni Josh." Ani ni Max. "Sure," sagot ko at nagmamadaling umalis na dito sa mall ng Quezon. Patungo na ko ngayon sa isang restaurant. Doon kami magkikita ni Attorney Naktar. Habang tinatahak ang lugar papunta doon. Biglang napatawag si dad sa akin. "Hello dad," ani ko pagkasagot ko ng tawag niya. "Huwag kang uuwe dito Tyler kung wala ka pang maipapakilalang gf mo. Sawa na ko sa mga ginagawa mong pambababae mo." Bungad na sabi ni dad. Ganito na lang palagi ang sinasabi ni dad. Ang isa sa pinoproblema sa akin ng mga magulang ko. Gusto na kasi nilang magka-apo. Gusto na daw nilang mag-alaga ng mga apo nila. Darn! May mga kapatid naman akong mga babae at bakit ako pa ang pinapaunang mag-asawa? "Dad, nag-eenjoy pa ko sa pagiging single." Sagot ko at isa pa, kahit gusto kong magseryoso. Wala naman akong matipuhang babae ngayon. Halos karamihan ay magkakaparehas ang mga ugali. Ayaw ko sa easy to get. Ayaw ko sa babaeng unang nagpapakita ng motibo. Gusto ko sa babae yung ako ang nahihirapan para lang makuha siya. Gusto ko yung nananapak ng mukha. Yung tipong inis na inis siya sa akin. Gusto ko rin yung babaeng hindi nasisilaw sa pera. Gusto ko yung siya yung umiiwas sa akin sa tuwing lalapitan ko siya. Saan ba ako pwedeng makahanap ng ganung babae? Yung hindi siya ang unang maiinlove? Gusto ko na ako ang unang maiinlove sa kan'ya. Meron pa bang mga babae na ganun ang hinahanap ko sa panahon ngayon? "Single?! Son, please naman. Umiiyak ang mommy mo. Ako rin nahihirapan sa kan'ya. Gusto niyang mag-alaga ng apo. Ewan ko ba sa mommy mo." "Dad, ikaw na muna ang gawin ni mommy na baby." Natatawang sagot ko rito. "Ayaw niya ko na maging baby niya. Malaking baby na raw ako. Pero ang sabi ko sa mom mo, baby pa naman ako. Until now, dumedede pa ko sa kan'ya." At doon kami natawa ni dad. Walang hiya! Pilosopong daddy ito. "Hindi naman halata hindi ba dad?" At hindi na ito umimik sa kabilang linya dahil dinig ko si mommy na parang nagagalit ito. Pinatay ko na lang ang tawag sa kabilang linya. Yung ngiti ko sa sinabi ni dad ay hindi na maialis. Tawang-tawa talaga ako kay dad. Tiklop agad ang bibig niya kapag si mommy ang kaharap. At sa wakas, narating ko na rin ang restaurant. Nagkita rin kami ni Atty Naktar. Mga titulo llang naman ang kinuha ko sa kan'ya at pagkatapos ay nag-usap saglit. Nang maayos na ang pinalakad ko sa kan'ya ay agad din akong umalis rito sa restaurant. Bago pa ko magpunta ng bar, kinontak ko na muna sina Max at Josh. Naroon na raw sila sa bar at ako na lang ang hinihintay nila roon. Bago ako magpunta roon, nagpalit muna ko ng damit ko at nagsuot na rin ako ng black hoody jacket. Ganito na ang nakagawian ko kapag nagpupunta ng bar. Ayaw kong may makakilala sa akin na ibang babae. Umiiwas lang talaga ako dahil na rin sa mga babaeng gustong dumikit sa akin. Kasalukuyang papunta na ko sa bar. Habang tinatahak ang lugar papunta roon. Isang babae ang biglang dumaan at papunta ito sa kabilang lane. Mabagal naman ang patakbo ko ng sasakyan ngunit naihinto ko bigla ang aking sasakyan. Tila yata nasagasaan ko siya. "Sh*t! Tat*nga t*nga kasi." Bulalas ko rito. "Hindi naman pedestrian lane dito pero tumawid na lang bigla. Bago ako bumaba ng sasakyan upang tignan ito kung napaano ba siya. Nagsuot muna ako ng shade para walang makakilala sa akin pagkatapos ay bumaba din ako ng sasakyan at nakita kong isang babae ang nakaupo sa gitna ng kalsada. May pinupulot siyang mga mansanas sa kalsada at inilalagay sa plastik. Umangat ang tingin niya nang nasa tabi ko na siya. Kita ko sa mga mata niya na galit na galit ito. "Hindi mo ba ko tutulungan?" Galit na sabi niya. "Bakit naman kita tutulungan? Kasalanan mo 'yan. Saka hindi mo ba nakikita na paparating ang sasakyan ko? Tapos bigla ka na lang tatawid? Bulag ka ba kaya hindi mo nakita ang sasakyan?" Pabirong ngumiti siya sa akin saka ito tumayo. Bahagya pa itong lumapit sa kinatatayuan ko. Napatingin ako sa suot niyang uniporme. Parang sa bar siya nagtatrabaho. "Alam mo? Ang sama ng ugali mo. Ikaw na nga itong may kasalanan ikaw pa itong may ganang lumapit. Ang pangit mo na nga, ang pangit pa ng ugali mo," sabay sampal niya sa akin. "Walang modo! Pwe!" Sabi niya sa akin. Napatanga na lang ako rito sa ginawa niyang pagsampal sa akin. P*ta! First time kong masampal ah. At napangisi na lang ako rito sa kinatatayuan ko habang hindi naiaalis ang tingin ko sa kan'ya. Sumakay siya sa dyip at nang umalis na ito ay agad din akong sumakay sa kotse ko. Sinundan ko ang pinagsakyan niyang dyip. Alam kong iisang bar lang ang pupuntahan namin dahil doon talaga patungo ang babae. Humanda ka sa akin babae ka. Magbabayad ka sa ginawa mong pananampal sa akin. Pero kung sa ikalawang pagkakataong masampal mo na naman ako. Ito na ba ang sign at isa ka ba sa mga babaeng hinahanap ko? Nang marating ko na ang bar. Saktong alas sais ay narito na ko. Oo, napakaaga pa pero may mga tao na rito. "Sino ba hinahanap mo?" Tanong ni Max dahil kanina pa ko palinga linga rito. Hinahanap ko yung babaeng sumampal sa pisngi ko dahil hanggang ngayon. Ramdam ko pa rin yung bigat ng kamay niya na dumapo sa pisngi ko. "Nothing," saad ko. Uminom muna ko ng alak bago ko hinanap ang babae. Alam kong isa siyang waitress dito. Peeo bakit hindi ko siya makita rito? Nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko na magbabanyo muna ako. Pagkaalis ko ay nagtungo agad ako papuntang exit. Malay ko ba kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Pero sa totoo lang, malapit na ang exit sa CR. At iyon, nakita ko na siya. Nakasimangot siya habang nakatulala sa kawalan. Ano kaya iniisip niya? Paalis na sana ako nang makita ko ang mga kaibigan ko. Patungo sila rito. Parang may kinatatakutan sila at natataranta. "Ano ba ang nangyayari sa inyo?" Tanong ko habang may dala pa silang mga alak. "P*ta! Nariyan na ang mga power puff girls," naghibikahos na sabi ni Max at kan'ya kan'ya ang mga kaibigan kong nagsitago sa kung saan. Ako naman ay halos mapatanga na rito. Nataranta na lang ako rito sa kinatatayuan ko kaya naman bigla akong napatakbo ngunit nabangga ko na naman ang babaeng sumampal sa akin. Nawalan kami ng balanse kaya naman pareho kaming napatumba sa sahig. Parehong manlaki na lang ang mga mata namin nang hindi naman sinasadyang dumikit ang mga labi namin. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng kan'yang dibdib habang nasa ibabaw ko siya. Napatitig na lang ang mga mata namin dahil sa pagkagulat. Mabuti na lang, hindi matao rito at hindi rin gaanong maliwanag kaya naman hindi pa rin ako makikilala ng babaeng nakahalikan ko rito. "Ayy... May iba na naman siya." Dinig kong sabi ni power puff girl. "Syota na ata niya 'yan. Tara na girls, may nanalo na." Sabi nila. Medyo lumuwag ang pakiramdam ko dahil umalis na rin sila. Hay salamat, hindi na siguro ako hahabulin ng mga iyon. "Hindi ka pa ba aalis diyan?" Naiiritang saad ng babae sa akin dahil alam kong nabibigatan na siya sa akin. "Sorry," at mabilis akong umalis mula sa ibabaw niya. Pagkatayo niya ay agad na sinampal niya ko. Hindi lang isang beses kundi magkabilaan pa. "Kulang pa 'yang ginawa ko sayo. Sa susunod na magkita pa tayong muli," saka niya ko mariing tinignan sa mukha na alam kong mahihirapan siyang mamukhaan ako. Sabay iling na lang nito. "Babangasan na kita!" Mataray na sabi niya sa akin. Humalakhak na lang ang mga kaibigan ko. Pero okay lang tumibok na yata ang puso ko sa kan'ya. Napatingin na lang ako sa papalatong babae. May ngiti sa labi ko habang hawak ko ito. Magkikita pa tayo Miss Sungit. Hindi kita titigilan hangga't hindi kita nakukuha.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook